216

By

50 points ibinuhos ni Travis, Magnolia pinaalis sa trono ang Ginebra!

Sharing is caring!

Magkakaroon na ng bagong kampeon sa PBA Governors Cup.

Ito ay matapos pabagsakin ng Magnolia Hotshots ang matinding kapit ng two-time defending champions Barangay Ginebra San Miguel sa trono, 112-108, sa Game 4 nitong Biyernes sa Ynares Center.

Naghalimaw ang naging PBA Best Import na si Romeo Travis, na halos buhatin ang Hotshots sa crucial stages ng laban para makalusot sa finals.

50 puntos ang kanyang iniambag, kasama ang 12 rebounds sa kabila ito ng iniindang leg injury.

Sa huling 44.1 segundo ng laban, bumalikwas ng three-point play si Travis para manakaw ang kalamangan, 108-106.

Dito na nagsimula ang foul game para sa Ginebra, kung saan kalmadong naikonekta nina guards Paul Lee at Jio Jalalon ang charity.

Malaki rin ang naging kontribusyon ni forward Ian Sangalang, trumabaho ng 14 puntos at anim na rebounds para sa panalo.

Para sa Ginebra, nanguna si Japeth Aguilar sa ginawang 25 puntos at 14 boards, samantalang may 32 markers, nine rebounds at seven assists naman si Justin Brownlee ngunit naging mapakla ang tirada sa 10 out of 21 shooting.

Hihintayin ng Magnolia ang mananalo sa Alaska Aces vs Meralco Bolts kung saan abante ang Aces, 2-1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?