33

By

50-point triple-double ni Harden, ‘di kinaya ni James, Lakers

Hindi napigilan ang reigning NBA MVP na si James Harden kontra sa koponan ng four-time league MVP na si LeBron James.

Sa paghaharap ng Houston Rockets at Los Angeles Lakers, walang naging sagot ang LA sa hagupit ni Harden, impresibo sa kanyang 50 puntos, 11 assists at 10 rebounds performance na lalo pang nagpamangha sa naging tikada sa fourth quarter.

Samantala, hindi naging sapat ang 29 puntos ni James, kasahog pa ang 24 markers ni Kyle Kuzma, para maibigay sa Rockets ang panalo, 126-111.

Nakatuwang naman ni Harden si kapwa All-Star na si Chris Paul na may 14 puntos at siyam na assists, at si Clint Capela na sumukbit ng 16 puntos at 14 boards.

Malapit na sa .500 mark ang Rockets, iniangat ang kartada sa 13-14 record habang maganda pa rin ang kapit ng Lakers sa upper rank hawak ang 17-11 baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?