16

Nov 23, 2020 @ 17:43

50 pa patay! COVID-positive sa ‘Pinas 420K na

Sumirit na sa 420,614 ang kabuuang dami ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 sa Pilipinas.

Sa ulat ng Department of Health (DOH), Nobyembre 23, umabot sa 1,799 ang bagong kumpirmadong kaso ng mga nahawa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat sa 25,837 ang naitalang active case o iyong mga nagpapagaling pa sa naturang nakahahawang sakit.

Samantala, tumaas sa 386,604 ang bilang ng mga gumaling sa 135 new recovery.

Habang 50 naman ang bagong naitalang nasawi dahilan para tumaas ang COVID-19 death toll sa bansa sa 8,173.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?