22

Jul 2, 2020 @ 14:57
By

50, natabunan sa Myanmar landslide

Mahigit sa 50 katao ang namatay sa naganap na landslide sa isang jade mine sa Myanmar.

Inihayag ng Myanmar officials na mahigit sa 50 katao ang namatay Huwebes matapos mangyari ang landslide sa isang jade mine sa kanluran ng Myanmar.

Iniulat ng Myanmar fire service department at isang information ministry official na na-trapped ang mga workers sa ilalim ng isang mound.

Ang mga minero ay kinokolekta ang mga bato na jade sa mayamang lugar ng Hpakant sa Kachin state nang maganam ang maputik na pagbulusok na parte ng lupa dahil sa malakas na ulan na tumabon dito.

“Now in total 50 dead bodies,” ayon sa fire service sa Facebook. “We are still working on the rescue process.”

Madalas naman maganap ang nakamamatay na landslides at iba pang aksidente sa mahirap at hindi organisado na minahan sa Hpakant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?