5

Jan 1, 2021 @ 15:01
By

50 nadale ng paputok; kwitis nangungunang salarin

50 katao ang sugatan sa paputok sa selebrasyon ng Bagong Taon, pero mas mababa ito kumpara noong nagdaang taon.

Ayon ito sa Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.

Kabilang ito ang 49 sugatan dahil sa paputok, at isa na pumanaw sa ligaw na bala. Mula ito Disyembre 21, 2020 hanggang Enero 1, 2021.

Sabi ni DOH Secretary Francisco Duque III, 85 porsiyento itong mas mababa kumpara sa tala noong 2020 na 340 pinsala.

89 porsiyento naman aniya itong mas mababa sa 5-taong average ng 2015 hanggang 2019.

“Majority of the injuries were blast injuries not requiring amputation at 67 percent,” ani Duque.

“About 33 percent are eye injuries, while two percent were blast injuries requiring amputation,” saad niya pa.

Naitala ang mga sugatan sa National Capital Region (22), Calabarzon (5), Ilocos (4), Bicol (4), at Western Visayas (4).

Ang mga salaring paputok ay kwitis (29%), boga (8%), 5-star (8%), fountain (8%), at triangle (8%).

“We have also observed that there was a change of behavior of Filipinos towards health. Due to the pandemic, the Filipinos became more aware and involved in ensuring health and safety of their family and community,” sabi pa ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?