367

Dec 19, 2017 @ 20:33

50 kabahayan naabo sa sunog sa Tondo

Malungkot na sasalubungin ang Pasko ng mga pamilyang nasunugan sa Kapulong St., Tondo, Maynila.

May 50 kabahayan umano ang natupok ng apoy sa sunog na inilagay sa ikatlong alarma, ayon sa GMA News.

Ayon sa mga residente umano sa lugar, ala-una ng hapon nagsimula ang sunog.

Ang pinaglaruang posporo ng bata sa bahay umano ang pinagsimulan ng sunog kung saan ayon sa isang bumbero, ay nalapnos ang bata.

Sa kasalukuyan ay sa kalsada na muna inilagay ng mga residenteng nasunugan ang kanilang naisalbang kagamitan hanggang hindi pa nakakahanap ng kanilang malilipatan.

Ayon sa isang kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP), suki na umano ang naturang lugar sa sunog dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay dito.

Payo naman ng BFP, mag-ingat sa mga bagay na maaaring magdulot ng sunog at bantayan ang mga batang anak sa mga bagay na maaaring magliyab.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?