117
50 endangered reptile na galing Thailand, nasabat sa NAIA
By

50 endangered reptile na galing Thailand, nasabat sa NAIA

Umaabot sa 50 reptile o lizard ang nakumpiska sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 mula mga bagaheng galing sa Bangkok, Thailand.

Sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), nasagip ang may 50 piraso ng chameleons, bearded dragons at iguana na nakasilid sa loob ng dalawang bagahe na pag-aari ni Neil Ryan Dysoco.

Ayon kay Atty. Andres Villaruel ng DENR-NAIA, sakay ng Philippine Airlines Flight PR 737 si Dysoco kasama ang dalawang malaking bagahe at nang idaan sa scanning monitor ay doon na tumambad sa kanilang ang mga reptile.

Sinabi pa ni Villaruel na walang maipakitang mga dokumento si Dysoco sa pagdadala ng mga endangered species kaya’t kinumpiska na nila ang mga chameleons, bearded dragons at iguanas.

Nabatid na nagkakahalaga ng P25,000 hanggang P45,000 ang bentahan sa black market ng mga nasabing endangered species.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?