20

Jul 22, 2021 @ 19:16
By

50 caregiver, pa-Israel sa susunod na linggo

Sa susunod na linggo na tutungo pa-Israel ang isang batch ng mga Pinoy caregiver, na siyang unang batch ng mga manggagawa na ipapadala sa naturang bansa matapos humupa ang kaguluhan dito.

Inanunsyo ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia nitong Huwebes na 50 caregiver ang bubuo sa unang batch ng mga Pinoy worker.

“Ang good news, next week po, July 27, mayroon po tayong 50 na caregivers, ang unang batch na lilipad at sila po ay patungo sa Israel under the [government-to-government] deployment natin,” pahayag ni Olalia.

Sa kabuuan daw ay nasa 377 caregiver ang nakatakdang tumulak pa-Israel.

Pansamantalang sinuspinde ang pagpapadala ng mga manggagawa sa naturang bansa bunsod ng kaguluhan, ngunit nang humupa na ito ay inalis na ang suspensyon noong Hulyo 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?