31

50 buwaya nasabat sa London airport

Sharing is caring!

Naharang ng mga awtoridad na Briton ang iligal na shipment ng 50 buhay na buwaya sa London Heathrow Airport.

Natagpuan ang mga buwaya sa limang kahon sa ginawang pag-iinspeksiyon sa mga shipment.

Kakadating lang umano ng naturang kargamento mula sa Malaysia at ipupuslit sana papasok ng London.

Ayon sa report ng BBC, nag-away-away na sa loob ng mga kahon ang naturang reptiles na may habang 30 centimeters dahil sa kawalan ng espasyo sa kanilang kinalalagyan.

Dadalhin sana ang mga buwaya sa isang farm sa Cambridgeshire na nag-aalaga ng crocodiles para gawing pagkain.

Isang buwaya ang namatay sa flight, habang nasa pangangalaga na ng mga opisyal ng Convention on International Trade in Endangered Species ang iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?