56

Mar 5, 2020 @ 12:41
By

50 bahay nilamon ng apoy sa Cebu

Umaabot sa 50 kabahayan ang natupok ng apoy na umano’y nagmula sa isang ancestral house sa San Nicolas, Cebu City, Huwebes ng madaling araw.

Umabot sa ikatlong alarma ang naganap na sunog na nagsimula bandang 1:37 ng madaling araw, Marso 5, sa ancestral house ng mga Estrella sa Sitio Ipil, Barangay Basak.

Ayon kay SFO1 Mariechiel Caburnay, umabot ng halos isang oras bago naapula ang sunog.

Aabot sa P600,000 ang pinsala ng sunog at wala namang nasaktan o nasawi sa insidente

Nahirapan naman ang mga pamatay sunog na apulahin ang apoy dahil sa makitid na kalsada at kailangan pang pagdugtung-dugtungin ang fire hose para maabot ang nasusunog na mga bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?