50

Dec 7, 2021 @ 9:40
By

50 bahay naabo sa Cavite

Nasa 50 bahay sa Niog 1, Bacoor City, Cavite ang nasunog nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa ulat, sumiklab ang apoy dakong alas-5:30 ng hapon mula sa bahay ng isang Lydia Sanchez.

Dahil magkakadikit ang mga bahay, madaling kumalat ang apoy hanggang sa umakyat pa ng ikatlong alarma ang sunog.

Tuluyang naapula ang sunog dakong alas-7:30 ng gabi.

Wala namang naiulat na nasaktan bagamat nasa 80 pamilya ang nawalan ng tirahan, habang aabot umano sa P300,000 ang halaga ng mga natupok.

Patuloy pa namang iniimbestigahan ang pinagmulan ng apoy. (mjd)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?