377

By

50-1! Pacquiao nangangating dungisan ang rekord ni Mayweather

Sharing is caring!

Nagniningas na ang apoy para sa muling salpukan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. nang magsimula na ang banatan ng dalawa sa social media.

Noong Sabado ng gabi, Setyembre 15, nagpahiwatig si ‘The Money’ Floyd Mayweather Jr. na muli itong aapak sa boxing ring para sa rematch sa kanyang mahigpit na karibal na si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao.

Hindi naman nagpahuli si Pacman, tapos ng anunsyo ni Mayweather ay naglabas naman sa kanyang Twitter ng maikli ngunit makahulugang mensahe para sa maangas na si Floyd.

“50-1 #NoExcuses”, na kasalukuyang naka-pin sa kanyang account at tila gustong ipaalam sa buong mundo na hindi pa tapos ang serye sa pagitan nilang dalawa.

Saad sa video, Disyembre ngayong taong 2018 ang napipisil na petsa ng magiging pinakainaabangang rematch ng dekada, tatlong buwan na lang mula ngayon.

Nakamit ni Mayweather Jr. ang kanyang ika-50 na panalo noong nakaraang taon laban sa hindi pa eksperiyensado sa boksing na si UFC star Conor McGregor.

Samatalang nasa alapaap pa si Pacquiao sa kakatapos lang na laban kay Lucas Matthysse na pinabagsak sa 7th round noong Hulyo 15, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?