abante-tnt-vismin-mugshot
By

5 wanted sa batas, kalaboso

Sharing is caring!

Bagsak sa selda ang limang wanted sa iba’t ibang kaso sa patuloy na isinasagawang ‘anti-criminality’ campaign ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa loob ng 24-oras sa Quezon City.

Batay sa report kay Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., naaresto ng Batasan Police Station (PS-6) sa pamumuno ni PSupt Joel Villanueva sina Rhona Marilyn Lagbo, 27, ng Brgy. Holy Spirit; Marlon Forlanda, 44, ng Brgy. Commonwealth; John Carlos Moscosa, 29 ng Brgy. Holy Spirit; Maribel Montero, 35-anyos ng Brgy. Commonwealth; at Christian Gallano, 19-anyos at residente ng Brgy. Roxas District, QC.

Si Lagbo ay nadakip dakong alas- 12:50 ng tanghali (May 22, 2018), sa No. 33 Area C, Nawasa Republic, Brgy. Holy Spirit, dahil sa paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act of 2004.

Habang si Forlanda ay naaresto naman bandang alas- 2:00 ng hapon (May 22, 2018) sa No. 61 Pearl cor Sanchez St., Manggahan, Brgy. Commonwealth, sa paglabag sa “Philippine Ecological Solid Waste Management Act of 2000”; at si Moscosa, ay nahuli alas- 3:30 ng hapon (May 22, 2018), sa No. 122 Don Vicente St., Don Antonio, Brgy. Holy Spirit, na lumabag din sa VAWC

Samantalang si Montero, 35, ay dinakma naman ng mga pulis bandang alas- 6:00 ng hapon (May 22, 2018), sa No. 23 Kasunduan St., 1121 Brgy. Commonwealth, sa kasong paglabag sa BP 22 (Bouncing Checks Law).

Naaresto naman ng Warrant and Subpoena Section ng Criminal Investigation and Detection Unit (WSS-CIDU) sa ilalim ni PSupt Rodelio Marcelo si Gallano, dakong alas-2:00 ng hapon (May 22, 2018), sa No. 27 Madre Silva, Brgy. Roxas District, sa kasong rape.

Ang limang wanted ay kasalukuyan nakapiit sa detention cell ng QCPD habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?