88
5 tulak timbog sa apartelle sa QC
By

5 tulak timbog sa apartelle sa QC

Arestado ang limang tulak ng iligal na droga, kabilang ang dalawang babae at dalawang menor-de-edad sa isinagawang buy-bust operation sa isang apartelle sa North Fairview, Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director P/Brig. Gen. Joselito T. Esquivel Jr., ang mga naarestong sina Rosalia Dela Cruz, alyas Mother, 54-anyos ng Brgy. UP, Diliman; Gil Blanca, 36-anyos ng Brgy. Payatas at Shane Valerie Cruz, 19, ng Brgy. Gulod, Novaliches, at dalawang 16-anyos na binatilyo.

Ang limang suspek ay naaresto ng follow-up unit ng Project 4 Police Station (PS-8) na pinamumunan ni PSupt Ophelio Dakila Concina Jr., dakong alas-12:30 madaling-araw (Abril 10) sa Rm. A5 Heaven Apartelle, Brgy. North Fairview.

Nasamsam sa kanila ang 26 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P30,000 mga drug paraphernalia, cellphone at drug money.

Ang tatlong suspek ay nakapiit ngayon sa Project 4 Police Station 8 habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang ang dalawang menor-de-edad ay dinala na sa DSWD.

Nabatid na sina Dela Cruz at Blanca ay dati nang nakulong nang maaktuhang nagtutulak ng shabu sa mga spa at sa mga Bingo Center sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?