5 tulak ng droga arestado sa Zamboanga City

Sharing is caring!

Arestado ang limang tulak ng droga sa isinagawang joint operation ng Naval Forces Eastern Mindanao, PDEA, Western Mindanao Command, at Joit Task Force Zamboanga sa isang parking lot sa Sta.Maria Zamboanga City nitong nakalipas na Sabado.

Kinilala ang mga naarestong drug suspek na sina Ryan Quijano, Gasi Hadjirul Waliyul, Kizzle Rajan Tungupon at Albajir Sanny.

Sa ulat ng Militar, na maliban sa pagkakaaresto sa limang tulak ng droga nakuha rin sa mga ito ang dalawampung sachet ng tig- limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4 na milyong.

Nakuha rin sa mga ito ang isang ford ranger, isang motorsiklo at ang P1.5 milyong pisong buy-bust money.

Sa ngayon, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehesive Dangerous Drugs Act of 2002. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?