32

Oct 4, 2017 @ 17:21

5 tulak at adik na dedma sa tokhang, dinakma

Tila hindi natatakot at natitinag sa ipinatutupad na Oplan Tokhang ang limang tulak at adik matapos na madakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ikinasang buy-bust sa Barangay Tatalon, Barangay San Martin de Porres, at Barangay Doña Imelda, Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang unang tatlong naarestong suspek na sina Analyn Flores, 33; Jaime Vlado, 35; Ricky Galang, 48; pawang mga residente ng Barangay Tatalon.

Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at P500 buy-bust money.

Ang ikalawang buy-bust operation ay ikinasa ng Anti-Criminality Campaign ng QCPD Station 11 na nagresulta nang pagkakadakip ni Pope Jaylord Dollente, 33 residente ng Barangay San Martin De Porres, Cubao.

Si Dollente ay nahuli sa aktong gumagamit ng iligal na droga at nakumpiska mula sa kanya ang isang plastic sachet na naglaman ng droga.

Nahuli rin sa hiwalay na Anti-Criminality Campaign ng QCPD Station 11 si Marin Ramos Dela Rosa, 31, ng Barangay Doña Imelda. Siya ay nakumpiskahan ng isang improvised tube pipe na nakitaan ng residue ng iligal na droga.

Ayon kay Eleazar, kakasuhan ang lima ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ngayon ay nakapiit sa detention facility ng QCPD Station 11.

Nasamsam mula sa mga suspek ang tatlong plastic sachet ng shabu at P500 buy-bust money. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?