184

Dec 14, 2019 @ 20:06

5 todas, 33 sugatan sa salpukan ng bus, van sa Quezon Province

Lima ang patay habang 33 ang sugatan sa salpukan ng pampasaherong bus at aluminum van sa Pagbilao, Quezon Sabado ng hapon (Disyembre 14).

Ayon kay Colonel Audie Madrideo, director ng Quezon police, bumangga ang aluminum van na minamaneho ni Sander Soliveres sa kasalubong na CUL bus habang tinatahak ang Pagbilao-Atimonan diversion road sakop ng Barangay Silangang Malicboy alas 4:30 ng hapon.

Pawang pasahero umano ng bus na minamaneho ni Reynaldo Samilo ang mga namatay sa banggaan.

Ayon pa kay Madrideo, 33 pa ang nasugatan kabilang ang driver ng bus at ang mga sakay ng van.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinakop umano ng van ang ang linya ng kasalubong kaya bumangga ito sa kaliwang bahagi ng bus.

Inaalam ng mga awtoridad ang mga pangalan ng nasawi habang dinala na sa iba’t ibang pagamutan sa Lucena City at Pagbilao ang mga nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?