37

Feb 28, 2020 @ 19:17
By

5 tipid tip para sa self-care

“Self-love” ang isa sa mga new year’s resolution ng madla ngayong 2020.

Dahil dyan, may limang budget-friendly na payo ang Abante para mapaunlad ang inyong well-being.

1. Uminom ng tubig
> Simulan ang araw sa pag-inom ng dalawang baso ng tubig. Ayon sa mga pag-aaral, kapag hydrated, bumubuti ang mood ng tao at bumababa ang risk sa depression.

2. Subukang magsulat sa diary
> Old-school man pakinggan, pero nakatutulong ang pagkakaroon ng journal: nakakapagnilay at tumatalas ang isipan sa paggunita ng mga karanasan sa kada araw. Pwede ring simulan dito ang “positive self-talk!”

3. Mag-social media detox
> Mahirap, pero kaya naman. Lumabas sa mga pag-aaral na ang tuluy-tuloy at madalas na paggamit ng social media ay nakakapagpalungkot at nakakapagpa-insecure sa isang tao. Maglaan ng panahon para mag-offline at ituon ang atensiyon sa produktibong aktibidad.

4. Mag-ehersisyo
> Nakababawas ang exercise sa nararamdaman na stress sa katawan, at nagdudulot ng “happy hormones.” Magiging fit ka pa!

5. Matulog
> Malaki ang epekto ng tulog sa ‘yong emosyonal at pisikal na nararamdaman. Tiyaking walang abala sa ‘yong silid-tulugan: unan at kumot ang hawakan, ‘wag cellphone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: