231

Mar 23, 2020 @ 8:12

5 tip para iwas fake news sa COVID-19 – Facebook

Sa kasagsagan ng pandemya na coronavirus disease 2019 (COVID-19), inabisuhan ng pamunuan ng Facebook ang mga netizen kung paano malalaman kung tunay o peke ang impormasyon kaugnay sa sakit.

Nilabas ng Facebook sa isang advisory ang limang hakbang para ma-verify kung tunay o peke ang isang balita.

1. Siyasatin ang mismong post, maging ang pangalan ng website at ang URL nito.

2. Suriin ang mismong website, pati ang mga maling spelling at “weird or clumsy” formatting. Pagdudahan din anila ang mga mukhang edited o manipulated na photo o video.

3. Bantayan ang mga kinukuhang source ng istorya. Halimbawa, malamang na fake news anila ‘pag gumamit ng “isang top expert” na hindi pinangalanan. Kumpirmahin din ang iba pang binanggit na source sa istorya.

4. Ikumpira sa ibang headline o balita. “Kapag maraming credible source, malamang totoo ang istorya,” ani Facebook.

5. Kumuha ng impormasyon sa mismong mga opisyal na source. Kabilang na rito ang Department of Health at ang World Health Organization.

“As the COVID-19 pandemic continues to escalate around the world, it’s more important than ever for people to be mindful of what they share online. Unverified or false information creates confusion, and in the worst case can sow unnecessary fear and panic,” wika ng Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?