87

By

5 time champ! Rey Guevarra hari ng dakdakan

Walang nakapigil sa pananalasa nang ngayo’y five-peat PBA Slam Dunk champion na si Rey Guevarra.

Napanatili ng Phoenix Fuel Masters forward ang trono bilang Slam Dunk king, inungusan ang dating nakalaban sa dunk-off na si Blackwater guard Renz Palma.

Naging madali para kay Guevarra ang pagdepensa, nagsalpak ng mga pansapakang dakdak sa bawat round.

Ngunit ang huling dakdak ang talagang tinilian ng mga fan.

Bawat Phoenix Fuel Masters player ay nasa court, kumuha ng tiyempo si Guevara at sinabayan ng mga kampi ang kanyang tomahawk dunk.

Umiskor ito ng 50 sapat para mapanatili ang kampeonato.

Dahil sa panalo, kapantay na niya ang five-time Slam Dunk champion na si KG Cañaleta.

Samantala wagi naman si Beau Belga ng back-to-back Obstacle Challenge title, napatid pa sa second round ngunit nakalusot.

Si PJ Simon naman ng Magnolia Hotshots ang panalo sa three-point shootout.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?