6
arrested-arestado-timbog
By

5 timbog sa ‘marijuana session’ sa palengke

Sharing is caring!

Arestado ang limang kalalakihan matapos mabuking sa ginagawang marijuana pot session sa Market Place, Barangay Pag-asa, Mandaluyong City kahapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act sina Kim Bibat, Kiel Rodney Tabil, Harold Nuesca, Philip Joshua Batistil, at James Kelly Corpus, pawang mga residente ng nabanggit na lungsod.

Batay sa report, nahuli ang lima bandang alas-5:35 ng hapon sa loob ng Market Place kung saan umalingasaw ang amoy ng marijuana kaya agad na ini-report sa pulisya ang insidente at nalambat ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga dinakip ang tatlong improvised glass pipe na naglalaman ng marijuana, isang sachet ng pinatuyong marijuana at dalawang disposable lighter.

Kasalukuyang nakakulong ang limang suspek sa Mandaluyong detention cell habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?