77

Oct 8, 2019 @ 20:03
By

5 testigo may pasabog sa isyu ng GCTA, drug recycling – Sotto

Limang bagong testigo at mga bagong ebidensiya ang ipiprisenta sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate blue ribbon and justice committees sa isyu ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law at drug recycling, ayon kay Senate Presidente Vicente Sotto III.

“I don’t know if I’m at liberty to tell you but there is really something explosive again tomorrow,” pahayag ni Sotto sa panayam ng mga reporter matapos dumalo sa isang forum nitong Martes sa Maynila.

“Palagay ko new evidence because I signed subpoenas last night. The entire hullabaloo, from the GCTA law to the recycling, konektado na ‘yun e,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni Sotto na siyam ang pinirmahan niyang subpoena subalit binago niya ito at ginawang lima na lamang.

“I’m not sure about the count baka nagkamali ako ng nine. Sa dami ng pinirmahan ko I’m not sure of the number but it is definitely more than five,” saad ni Sotto.

Nang tanungin kung may malaki bang pasabog sa pagdinig sa Miyerkoles, sinabi nitong: “Mas mabubulatlat pa ang katotohanan.”

Una rito, sinabi ni Senador Richard Gordon na may karagdagan silang ebidensiya na ilalabas ngayong araw laban sa tinaguriang “ninja cops”.

“We are in possession of evidence already kasi may mga nagti-tip sa amin on certain evidence that must be presented para malaman natin talaga na may nangyaring ganun,” ayon kay Gordon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?