41

By

5-taong walang dungis! 78 dikit na panalo, kinandado ng NU Lady Bulldogs

Limang season na ang nagdaan, wala pa ring makatibag sa pambihirang record ng National University sa UAAP women’s basketball tournament.

Naging madali para sa NU ang pagdomina sa FEU, 68-44, nitong Biyernes sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

14-0 kartada ang tangan ng NU, at dahil dito, diretso na ang koponan nila sa finals.

Muling humarurot ang MVP ng liga na si Jack Animam na kumamada ng 19 puntos, 18 rebounds at dalawang nakaw, samantalang nagmalakas din si Rhena Itesi sa double-double performance na tig-14 sa points at rebounds.

“I’m just happy na na-survive namin yung 14-0 ulit. We’re just waiting for the championship kung sino man but still yung job namin is not yet done. We hope na we get the championship, that’s the most important thing this season,” pakli ng kanilang head coach na si Patrick Aquino.

Ito na ang ikaanim na sunod na salang ng Lady Bulldogs sa finals match, at susubukang sungkitin ang five-peat sa nasabing torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?