87

Feb 8, 2018 @ 17:03
By

5-taong kaso vs PNB, tinulugan ni Sereno – Lawyers’ group

Tila tinutulugan umano ni Supreme Court (SC) Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang halos limang taon nang kaso na may kinalaman sa ‘land dispute’ na inihain ng isang abogado laban sa Philippine National Bank (PNB).

Dahil dito, sinabi ni Atty. Manuelito Luna, abogado ni Atty. Eligio Mallari, ang nakabili ng lupa at kasalukuyang presidente ng advocacy group ng Vanguard of the Philippine Constitution, hiniling nila sa Justice commmittee ng House of Representatives na idagdag sa deliberasyon ang mabagal na aksiyon ni Sereno sa kanyang kaso sa nabiling lupa na inaangkin ni Philippine National Bank (PNB).

Ayon kay Atty. Luna, halos limang taon nang nakabinbin sa SC ang ang kanilang petisyon kaugnay sa lupang nabili ni Mallari sa San Fernando City, Pampanga na sinasabi ng PNB na pag-aari nila.

Giit ng abogado ni Mallari, tila tinulugan na ng SC ang kaso simula nang padalhan ng liham ng PNB si Sereno noong February 08, 2013, na humihiling na imbestigahan nito ang nasabing kaso na dinidinig sa San Fernando Regional Trial Court sa Pampanga, na pumabor kina Mallari at sa asawa nitong si Marcelina.

“These charges are supported by clear, admissible, relevant, material and convincing evidence, based upon my personal knowledge and authentic documents and records,” base sa liham ni Mallari noong December 11, 2017 kay House justice panel chairman Reynaldo Umali.

“I am filing these charges against Chief Justice Sereno, not only to protect, enforce and defend my and my family’s rights of ownership and possession, but also, more importantly and imperatively, to protect the rights and interests of the more than 100 million Filipinos and of the future generation of Filipinos of this country–my one and only beloved country,” dagdag niya.

Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Atty. Luna na labag sa konstitusyon ang pagsulat ng PNB kay Sereno dahil posibleng maimpluwensiyahan nito ang resulta sa matagal nang nakabinbing kasong inihain ni Mallari.

Umaasa naman si Mallari at ang Volunteers Against Crime Corruption (VACC) na ang kanyang paratang ay madagdag sa nakabinbing reklamo na isinampa ni lawyer Lorenzo “Larry” Gadon, sa kwestiyonableng integridad ng Chief Justice.

“He [Mallari] felt that this should be proper time to raise this now baka pwede naman patulan ng committee on justice because they are now dwelling on that issue [integrity],” Ayon kay VACC member at dating Negros Oriental representative Jacinto “Jing” Paras,” dagdag pa ng abogado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?