89
5-taong kamalasan sa FEU, tinuldukan ng UP
By

5-taong kamalasan sa FEU, tinuldukan ng UP

Limang taon. Ganun kahaba bago naputol ng University of the Philippines ang kamalasan kontra Far Eastern University.

Namayani ang Lady Maroons kontra Lady Tamaraws 25-18, 20-25, 25-22, 25-20 sa ikalawang laro ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.

“FEU is a good team, they keep on changing tactics and that gave us a lot of challenge. It was a good win and we hope that we continue with it in the next games to come,” payahag ni UP coach Godfrey Okumu.

Nanguna para sa UP sina Tots Carlos na may 12 attacks, 3 aces, Justine Dorog at Isa Molde na may 12 at 11 points.

Huling nanaig ang UP kontra FEU noong Pebrero 9, 2014 habang nasa kanila pa sina Kathy Bersola, Nicole Tiamzon at Pia Gaser.

Angat sa 2-0 kartada ang Lady Maroons samantalang bagsak sa 1-1 ang Lady Tamaraws.

Maganda ang naging palitan ng mga atake mula sa parehas na koponan, tpunan. Tumindi pa ang laban nang gumawa ng isang mini-run ang FEU 24-18 sa fourth set ngunit hindi na hinayaan pa ni Molde na makabawi ang mga karibal.

Sunod na makakarahap ng UP ang University of Santo Tomas Golden Tigresses sa Linggo, Pebrero 24 sa parehong venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?