10

Mar 7, 2021 @ 20:31
By

5 tao gumamit ng pekeng pera, timbog

Sa kulungan ang bagsak ng limang indibidwal matapos gumamit ng pekeng pera sa Lopez, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Aboubaida Hadji Ali Solaima, Amir Kusain, Bainoie Kusain, Sittie Kusain at Lady Almira Kusain na mga residente ng Taguig CIty.

Ayon sa ulat ng GMA News, nahuli ng kapulisan ang mga suspek sa isang checkpoint sa Camarines Sur.

Batay sa imbestigasyon ni Police Major Deo Calawit ng Lopez Municipal Police Station, nabiktima ng limang salarin ang isang grocery store sa Barangay Burgos, Lopez.

Anila, papunta sanang Bicol ang magkakasabwat kaya binigyan ng alarma ng mga awtoridad ang mga pulis sa border checkpoint sa Del Gallego, ng naturang probinsya.

Kasalukuyang nasa kustdiya na ng kapulisan ang limang salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?