41

By

5 swak sa drug den

Arestado ang limang katao nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Ilocos Regional Office (PDEA-IRO) at Dagupan City Police Station (DCPS) ang isang drug den sa Purok Pagkakaisa, Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City noong Miyerkules.

Kinilala ni PDEA-IRO team leader Retchie Camacho, ang mga suspek na sina Reynalyn Castro, mag-ari ng bahay na kung saan nandoon ang umano’y drug den; Romelito Robles, Cesario Cuenca, Jeffrey Guerrero, at Fernando Tamayo.

Sa imbestigasyon, ayon kay Camacho, si Castro umano ang pakay ng kanilang operasyon sa nasabing nasabing purok.

“She was also the drug den maintainer, her house has become a one-stop shop for illegal drugs as buyers will then be consuming illegal drugs in her house on-the-spot after purchasing,” ani Camacho.

Bago ikinasa ang anti-illegal drug operation, nagsagawa muna ng surveillance ang PDEA-IRO at noong positibo sa impormasyon, dito na nakipag-ugnayan ang PDEA-IRO sa DCPS para magsagawa ng raid laban kay Castro.

Sa pagpasok ng awtoridad, doon naman nakita nila nakita sina Robles, Cuenca, Guerrero at Tamayo na pawang mga drug personality.

Nakumpiska sa mga suspek ang P81,600 halaga ng hinihinalang shabu, mobile phone, isang tricycle at iba’t ibang drug paraphernalia.

Ang mga suspek ay nakakulong ngayon sa DCPS jail at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-illegal Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?