180

Dec 11, 2020 @ 19:38

5 suspek sa QC arestado sa ‘spakol’

Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang suspek sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City.

Ayon kay NBI officer-in-charge Eric Distor, dalawang suspek ang naaresto sa entrapment operation noong Miyerkoles dahil sa umano’y pag-offer ng extra service sa isang spa, kung saan mga menor de edad pa ang sinangkot sa naturang operasyon.

Ang nadakip ay kinilalang sina Robert Que Garcia at isang menor de edad.

Tinago umano ng spa ang kanilang operasyon na naglagay ng ‘closed’ signage sa kanilang puwesto ngunit tumatanggap ng booking online.

Samantala, tatlong suspek naman sa Tomas Morato ang nahuli dahil din sa sexual service sa customer ng isang spa.

Kinilala ang mga suspek na sina Liecel Capicio, Miguel Diwata at Jay Baldomar.

11 na kababaihan ang nasagip sa naturang operasyon.

Haharap ang mga nadakip na suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 na inamyendahan sa Expanded Trafficking in Persons Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?