54

May 17, 2020 @ 11:58
By

5 sundalo sugatan, 3 Abu Sayyaf patay sa barilan sa Sulu

Patay ang tatlong miyembro ng bandidong grupo ng Abu Sayyaf habang limang sundalo naman ang sugatan sa naganap na mahigit isang oras na engkuwentro ng dalawang grupo sa Patikul, Sulu ayon sa ulat ng opisyal ng Philippine Army ngayong Linggo.

Sa ulat ni Lt. Col. Gerald Monfort, commander ng 21st Infantry Battalion ng Philippine Army, ang labanan ay naganap dakong alas-10:44 ng umaga nitong Sabado sa Sitio Tubig Paliya sa Brgy. Danag ng nabatid na bayan.

Napag-alaman na nagsagawa ng blockade ang mga sundalo nang makasagupa ng mga ito ang tinatayang nasa 20 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na armado ng matataas na kalibre ng baril sa ilalim ni ASG sub leader Ellam Nasirin.

Nagtagal ang engkuwentro ng mahigit sa isang oras bago umatras ang mga bandido.

Sa clearing operation ay tatlong bangkay ng mga ASG ang bumungad sa tropa ng militar at isang mataas na kalibre ng baril.

Limang sundalo naman ang sugatan pero nasa ligtas ng kalagayan na ngayon at nagpapagaling na sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?