23

Nov 16, 2021 @ 11:55
By

5 sugatan sa pamamaril sa eskwelahan

Sugatan ang 5 menor de edad matapos ang isang pamamaril malapit sa isang eskwelahan sa high school sa Los Angeles, California nitong Lunes.

Batay sa awtoridad, hindi sa loob ng paaralan nangyari ang insidente kundi sa hilaga lang sa Nome Park.

Nakatanggap ng report ang mga opisyal sa Aurora, Colorado, na limang bata nasa edad 14 at 17 ang nasaktan sa insidente sa isang parke malapit sa Central High School.

Isinugod naman sa ospital ang mga biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa pamamaril. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?