31
ABANTE-arrested
By

5 sugalero, shabu ang pantaya

Limang mga kalalakihan ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mahuli sa akto na nagsusugal ng cara y cruz na ang ginagamit pang pantaya ay shabu sa Lungsod ng Caloocan.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Valenzuela, 39-anyos, may asawa, security guard; Nelson Obligacion, 44 -anyos, binata, walang hanapbuhay; Anthony Villegas, 37-anyos, may asawa, pintor; Jazer Ramos, 41-anyos, may asawa, construction worker; Freddie Ferrol, 45-anyos, binata, walang hanapbuhay na pawang mga identified drug users at residente ng Phase VIII, Package 5, Block 61, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police Community Precinct (PCP) III ay ganap umanong alas-10 ng Martes ng umaga nang maaresto ang mga suspek matapos na mahuli sa akto na nagsusugal ng cara y cruz sa nasabi ring lugar at ang ginagawa pang pantaya ay methemphetamine hydrochloride o may kilala sa tawag na shabu.

Hindi na rin naman nagawa pang makapaglaban ng mga suspek na aminadong mga gumagamit nga sila ng nasabing ipinagbabawal na gamot, narekober sa pangangalaga ng mga ito ang nasa tatlong pisong barya na mamiso na nagsisilbing pangara, halagang P180 na pera at nasa limang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white cystalline substance na pinaghihinalaang shabu.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na rin ng Caloocan City Police-Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga nakuhang mga ebidensiya gayundin ang mga naarestong suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling at RA 9165 o cpmprehensive dangerous drugs act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?