75
5 straight ‘W’ tinuhog ng TNT vs Columbian Dyip
By

5 straight ‘W’ tinuhog ng TNT vs Columbian Dyip

Kinulang ang naging paghabol sa dulo ng Columbian Dyip kontra sa mainit na TNT KaTropa, 101-98, sa aksyon sa PBA Philippine Cup sa Ynares Center, Antipolo, Biyernes ng gabi.

Kumolekta ng 20 points, seven assists si Jason Castro off the bench, habang bumakas naman ng tig-19 markers sina Ryan Reyes at Troy Rosario.

Nakalamang sa dulo ang TNT ng walong puntos, 101-93, ngunit biglang bumalikwas ang Columbian sa bisa ng free throws ni JP Calvo at tres ni Rashawn McCarthy para sa 101-98 na score.

Bumalik pa sa Columbian Dyip ang bola, nakapagpakawala ng dalawang tres si McCarthy ngunit nagmintis.

Akyat sa 7-3 ang kartada ng TNT para mapanatili ang hawak sa posibleng twice-to-beat advantage, habang lagapak naman sa 4-7 baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?