125

Sep 16, 2019 @ 13:49
By

5 sports sa SEAG naghahanap pa ng venue

Lima sa 56 na paglalabanang sports ang ‘di pa nakakapagtiyak ng mga competition venue para sa pang-apat na pagtataguyod ng bansa sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nobyembre 30-Disyembre 11.

Ang limang sport ay squash, kickboxing, obstacle course, floorball at gymnastics.

Ito ang isa sa dahilan sa pagkaalarma ng Philippine Sports Commission at Office of the Team Philippines Chef de Mission William Ramirez laluna’t 75 araw na lang ang nalalabi para maipakita ng bansa ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maibigay ang pinakamagandang hosting sa 11-nation, 12-day biennial meet.

“This is now a matter of national interest,” sabi ni Ramirez tapos alamin ang kasalukuyang situwasyon ng lahat ng kasaling national sports associations.

Una sa listahan ng wala pang siguradong venue ang Squash and Racquet Association of the Philippines (SRAP) na unang tinukoy na gagawa ng sariling playing court sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

“We are training right now in Manila Polo Club,” sabi ni SRAP President Robert Bachmann. “We asked the contractor about the proposed venue kung kailan matatapos and we were told by November 28. Concerned ako siyempre dahil our competition starts [on] December 1,” sabi ni Bachmann, na hinihintay din ang mga equipment na manggagaling pa sa Germany at Singapore.

Ang kickboxing, na itinakda sa Cuneta Astrodome, ay ‘di nakapasa sa panlasa ng pinadalang technical director.

“Problema ang mga nakalagay na ballot boxes sa gilid. ‘Di nakapasa sa technical director sa inspection,” sabi ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Operations Director Tomas Carrasco, Jr.

Ang Obstacle Course, na apat na beses nang nagpalit ng venue mula sa unang itinakda na Quirino Grandstand, bago sa Clark, tungo sa Subic, sa UP Sunken Garden at huli sa Filinvest, Alabang.

Napag-alaman ang petsa ng SEA Games ay kasabay sa pagsusulit ng mga estudyante sa UP kaya ‘di pwedeng ipagamit ang Sunken Garden, ayon sa Philippine Obstacle Sports Federation.

Patuloy pa namang hinahanapan ng Phisgoc ang floorball ng mapaggagamitang venue, na unang tinakda sa Los Baños Centro Mall.

“The technical director did not agree with the venue,” hit ni Carrasco.

Magbabalik naman ang bowling sa Starmall Mandaluyong tapos ‘di makumpleto ang pakikipag-usap sa isang pasilidad sa Alabang.

Balik din ang weightlifting at taekwondo sa Ninoy Aquino Stadium na nasa loob ng kasalukuyang kinukumpuning Rizal Memorial Sports Complex kasama ang gymnastics na ibabalik at isasagawa na sa Rizal Memorial Basketball Court.

Ang volleyball ay balik din sa PhilSports Arena sa Pasig City, habang magsisilbi namang practice venue para sa football ang Imus football pitch at UP football field.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?