138

Dec 8, 2017 @ 20:09
By

5 senador, tutol sa martial law extension

Mariing tinutulan ng mga senador na kasapi ng Senate minority bloc ang hinihinging pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Sa joint statement nina Senators Bam Aquino, Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan at Antonio Trillanes IV, idiniin na hindi martial law ang kailangan sa Mindanao partikular sa Marawi kundi ang rehabilitasyon na walang katiwalian.

Mas maigi anilang gawin ay alisin na ang umiiral pang martial law para makauwi na ang mga residente ng Marawi.

“Lifting military rule, specifically in Marawi, will hasten the return of affected residents to their homes, according to its citizens. Martial law, together with the air strikes, was the reason why they fled Marawi in the early days of the Maute siege. And martial law is also the reason why they are afraid to return, even in cleared areas,” sabi ng limang senador sa kanilang joint statement.

Idiniin din ng limang senador na ang pagpapairal ng martial law, kasama ng airstrikes, ang nagtaboy sa mga residente ng Marawi.

Nagbabala rin sila na makakasagabal sa pagbangon ng Marawi ang martial law dahil kakalat doon ang mga sundalo na maaaring ikatakot ng mga residente.

“As security forces reign supreme during martial law, would not military rule actually get in the way of a people-centered rebuilding and rehabilitating of the once vibrant city?” dagdag nilang pahayag.

Gusto rin nilang maliwanagan kung bakit kailangan ng martial law gayong wala nang bakbakan sa Marawi maging sa alinmang bahagi ng Mindanao.

“What is the need for martial law? Would martial law suspend bidding in the reconstruction of the city?” anila. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?