68

Dec 7, 2017 @ 15:19
By

5 sasakyan nagkarambola sa Antipolo, 5 sugatan

Nagkabuhul-buhol ang trapiko sa Circumferential Road matapos magsalpukan ang limang sasakyan na ikinasugat ng lima katao, kahapon ng umaga sa Antipolo City.

Naganap ang aksidente bandang alas 10:45 kahapon ng umaga sa intersection ng Circumferential Road at ML Quezon Street sa Antipolo na kung saan ay dalawang SUV, isang kotse at dalawang tricycle ang sangkot sa aksidente.

Posibleng gitgitan sa kalsada ang naganap kaya aksidente ang kinabagsakan ng mga ito.

Agad dinala sa pagamutan ang mga nasugatan na ngayon ay nasa ligtas na kalagayan.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng awtoridad kung sino ang may sala sa aksidente. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?