74

Oct 27, 2017 @ 17:09

5 robbery group members, patay sa engkuwentro sa Pangasinan

Patay ang limang miyembro ng robbery group matapos makipagbarilan sa pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Branch, Pangasinan Police Provincial Office at CIDG Region 1 sa Poblacion District 2, Pozorrubbio, Pangasinan.

Ayon kay Pangasinan Police Provincial Director, Sr. Supt. Ronald Lee, alas-12:30 ng tanghali kanina nang isagawa ng pulisya ang operasyon laban sa robbery group.

Sinabi pa ni Lee, kamakalawa ng gabi pa nila ino-operate ang grupo dahil sa panghoholdap sa mga gasolinahan.

Kaninang tanghali ay natiyempuhan nila ang grupo dahilan ng pagkasawi ng limang miyembro nito.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang iba’t ibang baril at isang itim na Toyota Fortuner na walang plate number.

Walang naitalang sugatan o nasawi sa panig ng mga pulis. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?