180

Dec 24, 2017 @ 18:20
By

5 road section sa Region 10, winasak ng bagyong Vinta

Limang road section ang naapektuhan ng paghagupit ng Bagyong Vinta sa Region 10 na nagdulot ng pagguho ng lupa o landslide, pagkasira ng kalsada at tulay.

Sa Bukidnon, naapektuhan ng landslide ang ilang bahagi ng Kapalong-Talaingon-Valencia Road, partikular na ang kilometer 1552 + 000 sa Barangay San Jose, San Fernando; gayundin ang kilometer 1538 + 000 – kilometer 1560 + 000 sa Sitio Nabunturan sa Barangay Kalagangan, San Fernando at ang bahagi ng Kalagangan Bridge na dumanas ng sira sa approach.

Sa Lanao Del Norte, napinsala naman ang Dalama Bridge sa Bacolod-Madalum Highway; pati na ang Daligdigan Bridge sa Salvador-Sapad-Nunungan Road.

Iniulat pa ng DPWH na nagkabit na sila ng mga warning sign sa mga napinsalang tulay at mga kalsada na dumanas ng landslide para magabayan ang mga motorista.

Nagdeploy na rin ang kagawaran ng mga heavy equipment para magsagawa ng clearing operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?