180

Sep 14, 2019 @ 14:59
By

5 pulis sugatan matapos mahilo sa lindol

Sugatan ang limang pulis matapos sumalpok ang sinasakyan nilang patrol car sa isang nakaparadang ten-wheeler truck sa bayan ng Gumaca,Quezon.

Ayon sa report, nakaramdam umano ng pagkahilo ang driver dahil sa lindol noong Biyernes kaya nawalan ito ng kontrol sa sasakyan.

Nabangga muna ng patrol car ang isang jeep bago ito sumalpok sa truck.

Kahapon, Setyembre 13, yumanig ang magnitude 5.3 na lindol sa Quezon province na naramdaman din sa ilang bahagi ng Metro Manila alas-4:28 ng hapon. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?