856
5 pulis-Pasay sinibak
By

5 pulis-Pasay sinibak dahil sa pag-areglo sa kaso ng Chinese

Tinanggal sa puwesto ang limang miyembro ng Pasay City police kabilang na ang precinct commander, dahil umano sa pag-areglo sa kaso na kinasasangkutan ng isang Chinese national na nangmolestiya umano ng tatlong babae sa amusement park.

Ayon kay NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, ang mga naturang pulis na hindi muna pinangalanan ay nakatalaga sa Police Community Precinct 1 (PCP 1) sa nabanggit na lungsod.

Ang naturang mga pulis umano ang nanghikayat sa mga biktima na huwag nang magsampa ng kaso laban sa Chinese at makipag-areglo na lang.

Kasalukuyan na umanong iniimbestigahan ang NCRPO ang alegasyon habang inilagay muna sa floating status ang mga inakusahang parak

“Because of the allegations na sinasabi na fina-faciliate itong settlement nitong Chinese sa three complainant at apparently nag-iinsinuate pa ng share, ‘yun ang ating iniimbestigahan,” ani Eleazar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?