151

By

5 pulis, Bacolod politician sangkot sa ilegal na droga – Duterte

Dumalo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng kaarawan ni Leo Rey Yanson, presidente ng Vallacar Transit Incorporated at chief executive office ng L’ Fisher Hotel sa Bacolod kung saan ay sinabi ng Pangulo na may isang politiko at 5 pulis ang diumano’y sangkot sa ilegal na droga.

Saad ng Pangulo sa kaniyang speech isang senior superintendent, 3 superintendents, at isang senior inspector ang diumano’y protektor ng droga.

Dagdag pa niya, maging ang isang incumbent local executive ng Bacolod ay sangkot din sa kalakaran ng droga.

Nais ng Pangulo na maalis sila sa pwesto at sinabihan ang mga ito na pumunta sa Palasyo sa Lunes, January 14.

Isa sa mga pulis na nabanggit ng Pangulo ay present sa naturang pagtitipon.

Sa isang interview ng Aksyon Radyo Bacolod kay Chief Superintendent John Bulalacao, direktor ng Police Regional Office-Western Visayas, sinabi nitong ang ilan sa mga pulis na nabanggit ni Duterte ay nai-report na sangkot sa droga ngunit wala pa umanong ebidensiya na magdidiin sa mga ito.

“Personally, I was surprised at one of the names mentioned,” saad nito.

Samantala sinabi ni Bulalacao na kakalap sila ng ebidensiya at kung mapatunayang guilty ang mga ito ay sasampahan ng kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?