387

Dec 23, 2017 @ 12:06

5 probisyon ng TRAIN law, tablado kay Duterte

Ni-reject ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limang probisyon sa kalalagda lang na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Act.

Isa na dito ang probisyon nagbabawasa sa income tax rates ng mga empleyado sa regional headquarters, regional operating headquarters, offshore banking units at petroleum service contractors at subcontractors.

Sa kanyang veto message, sinab ni Duterte na bagamat na intindihan niya ang layunin ng batas, ang nasabing probisyion ay labag sa Equal Protection Clause under Section 1, Article III ng 1987 Constitution.

Ibinasura din ni Duterte ang probisyon na zero-rating sa sales ng goods at services na kontra aniya sa prinsipyo ng paglimita sa value-added tax (VAT) zero-rating sa mga direct exporters.

Isa pang probisyin na na-veto ay ang exemption ng percentage tax sa gross sales/receipts na hindi lalagpas sa P500,000 na magreresulta kawalan ng kita ng gobyerno hinggi dito.

“The subject taxpayers under this provision are already exempted from the VAT, thus the lower three percent percentage tax on gross sales or gross receipts is considered as their fair share in contributing to the revenue base of the country,” ani Duterte.

Na-veto din ang exemption sa ibat ibang petroleum products mula sa excise tax kapag ginagamit sa inputs, feedstock, o sa raw material sa paggawa ng petrochemical products, refining petroleum products o bilang replacement fuel para sa natural gas-fired combined cycle power plants.

Panghuli, tablado din kay Duterte ang probisyon hinggil sa earmarking sa incremental tobacco taxes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?