68

By

5 preso sa bilibid, patay dahil sa HIV

Hinayag ng isang opisyal ng New Bilibid Prison (NBP) hospital na lamang preso na ang namatay dahil sa human immunodeficiency viruses o HIV.

“We have HIV cases in Bilibid. Since the time I handled it, more less five patients died already,” pahayag ni NBP medical officer Dr. Ursicio Cenas matapos tanungin ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

Sa pagdinig ng Senate justice and human rights committee sa anomalya sa Bureau of Corrections, kinumpirma ni Cenas na noo’y nagre-refer sila sa mga presong may sakit na magamot sa mga pribadong ospital sa labas ng NBP.

Subalit pinagbawal na umano ito noong panahon ni dating Justice Secretary at ngayo’y Senador Leila de Lima.

“During the time of Sec. De Lima, nag-issue po siya ng department order na lahat ng pasyente galing Bilibid ay puwedeng i-admit sa government hospital,” ani Cenas.

“5 to 6 years na pong walang pasyente na nire-refer sa private hospital,” dagdag pa nito, kasabay ng pagsabing wala siyang alam na drug lord na pinayagang magpa-confine sa private hospital.

Dahil sa kakulangan sa medical equipment sa loob ng NBP hospital, wala umanong silang choice kundi i-refer ang mga presong may sakit na magpagamot sa public hospital.

Karamihan sa mga nire-refer ay mga may sakit sa kidney, na-stroke na preso, sakit sa puso, mga surgical patient, kanser at iba pang mga sakit.

“We referred some patient outside for diagnostic reason kasi sa loob walang chest x-ray, walang laborator equipment. Walang MRI, walang CT scan at walang 2D echo,” sambit pa ni Cenas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?