45

Dec 20, 2017 @ 16:30

5 preso nahuling bumabatak sa Leyte jail

Nadagdaga pa ang kaso ng limang preso matpaos maaktuhang nagsa-shabu sa loob ng piitan sa Abuyog, Leyte.

Ang mga preso ay nakilalang sina Mario Marmita, 38; Noli Rinos, 52; Allan Sia, 33; Elvira Cuevas, 38; at Jonalyn Culaba, 38.

Si Marmita ay nahaharap sa kasong murder at sinasabing miyembro ng drug syndicate habang ang apat na iba ay nahaharap naman sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nahuli ang mga suspek matapos magsagawa ng sopresang inspeksiyon ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Nakua sa mga preso ang isng sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (possession of dangerous drugs), Section 12 (possession of drug paraphernalia) and Section 15 (use of dangerous drugs) ng anti-drugs law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?