37

Feb 22, 2020 @ 19:42
By

5 presinto itatayo sa Antique

Inaprubahan ni Philippine National Police Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa ang hiling ng lalawigan ng Antique na mga bagong police station.

“We requested from Gen. Gamboa for five police stations to which the general has agreed to give,” ani Antique Vice Governor Edgar Denosta sa Philippine News Agency.

Kabilang sa lalagyan ng presinto, na P6 milyon ang bawat isa, ang mga bayan ng Sibalom, San Remigio, Anini-y at Pandan.

Maliban sa bagong police station, makakatanggap din ang Pandan Municipal Police Station ng patrol car.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?