162

Jan 18, 2021 @ 19:15
By

5 person of interest sa Dacera case negatibo sa drug test, naghain ng supplemental motion

Negatibo sa drug test ang limang respondent sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera noong Bagong Taon.

Kinilala ang mga nagsumite ng negatibong resulta ng drug test na sila Clark Rapinan, Rommel Galido, Valentine Rosales, Gregorio De Guzman, at JP Dela Serna.

Ayon sa ulat, nagtungo ang limang kalalakihan sa Makati City Prosecutor’s Office upang maghain ng supplemental motion para ipa-subpoena ang mga resulta ng mga eksaminasyong ginawa ng Philippine National Police (PNP).

“Included in the motion are the results of the drug test on test on the respondents. We also request for the issuance of a subpoena to compel the PNP to release or to submit the results of the laboratory examination, DNA examination, histopathological examination conducted on relative to this case. We expect this to help in the early resolution of this case,” ayon sa abogado nilang si Mike Santiago.

Kanina lamang nang matapos ang forensic exam na isinagawa ng National Bureau of Investigation sa katawan ni Dacera ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

“The NBI has completed its forensic examination of tissues obtained from the subject’s remains. It is currently coordinating with the Makati Medical Center on related issues,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?