18
abante war on drugs pnpn patay
By

5 patay sa pagbabalik ng war on drug sa PNP

Sharing is caring!

Makalipas ang halos isang buwan nang ibalik muli sa pulisya ang kampanya kontra iligal na droga, nakapagtala na ng limang hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang napatay sa operasyon ng pulis.

Base sa datus, mula Disyembre 5 ng alas-sais ng umaga hanggang Enero 4, 2018, nakapagtala ng 708 anti-drug operations ang Philippine National Police (PNP) na kung saan ay 1,096 suspected drug personalities ang naaresto.

Sa isinagawa namang siyam na ‘tokhang activities’, 10 ang kusang-loob na sumuko sa pulisya.

Sa nasabing mga operasyon, lumitaw na isang police personnel ang napatay at isa naman ang nasugatan.

Napag-alaman na noong Disyembre 5, 2017 ay ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte, ang pagbabalik muli sa anti-drug operations ng PNP pero nilinaw na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pa rin ang mangunguna rito. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?