30

Aug 13, 2018 @ 19:29
By

5 patay sa Metro Manila dahil sa habagat

KINUMPIRMA ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar na limang katao ang nasawi sa Metro Manila dahil sa matinding pag-ulan ng dalawang araw simula noong Sabado dulot ng Habagat.

Aniya, tatlo sa mga nasawi ay sa Quezon City, samantalang tig-isa sa mga lungsod ng Marikina at Maynila.

Kasama si Eleazar ni PNP Chief Oscar Albayalde na nagsagawa ng aerial survey sa pinsalang idinulot ng halos walang tigil na pag-ulan at sa Metro Manila, ang Marikina City ang pinaka-apektado, samantalang ang Bulacan naman ang pinaka-apektado sa hanay ng mga lalawigan.

Sinabi pa nito na may 6,218 pamila na may katumbas na 27,743 katao ang nananatili sa 45 evacuation centers at 5,232 o 34,384 katao ay residente ng Pasig at Marikina.

Sa Quezon City, may 585 pamilya pa ang nasa mga evacuation centers, samantalang 253 sa Camanava area at 148 naman sa Maynila.

Sa Calabarzon, 35,649 katao ang lumukas at 34,727 sa kanila ay residente ng Rizal Province.

Kabilang sa mga inilikas ang 482 detenido sa San Mateo, Rizal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?