184

Mar 2, 2019 @ 15:57
By

5 patay sa dengue sa Soccsksargen

Lima na ang naitalang nasawi sa dengue sa mga bayan ng South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City (Soccsksargen).

Ayon Department of Health (DOH)-12, tatlo ang nasawi sa North Cotabato province, isa sa Sarangani at isa sa bayan ng South Cotabato mula sa record noong Enero 1 hanggang Pebrero 28 at umaabot sa 2,332 dengue cases ang naitala sa buong rehiyon na sakop ng DOH-12 Regional Epidemiology and Surveillance Unit.

Ang mga dengue “hot spots” ay ang Barangay Poblacion, Carmen, North Cotabato; Barangay Maybay ng Maitum, Sarangani; Barangay Zone III sa Cotabato City; Barangay Poblacion ng Polomolok, at Barangay Poblacion ng Tupi, sa South Cotabato; at sa Barangay Calumpang sa General Santos City.

Nasa 191 porsiyento ito na mataas kumpara sa record noong nakaraang taon.

Naitala ang edad ng mga nasawi sa dengue na nasa tatlong buwang sanggol habang nasa 96-anyos na ang pinakamatanda.

Karamihan sa mga pasyente ng dengue ay nasa 1,211 o 52 porsiyento na lalaki at nasa 1,121 o 48 porsiyento ay babae.

Nabatid na ang North Cotabato ang may pinakamataas na bilang ng may dengue patients na may 800 cases, sumunod ang South Cotabato na may 707 dengue patients, 257 sa Sarangani, Sultan Kudarat ay nasa 239, General Santos City ay 218 at sa Cotabato City na may 111 na may sakit na dengue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?