79
soco2
By

5 patay sa anti-drug ops sa Laguna

Patay ang limang drug suspek matapos ang magkakasunod na anti drug operations sa Laguna kaninang madaling araw.

Ayon kay Senior Supt. Kirby John Kraft, 2 hinihinalang tulak ng droga ang napatay sa Pansol,Calamba pasado alas-2:00 ng umaga kanina sa ikinasang buy-bust operations.

Isa sa mga ito ay kinilala sa pangalang Christopher Manjares Gonce, alyas Boy B, habang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng kasmaahan nito

Alas-5:00 ng madaling araw naman kanina, 3 drug suspek naman ang napatay sa isa ring buy bust operation sa bahagi naman ng San Pablo City.

Kinilala ang dalawa sa mga ito ay kinilalang sina Reynaldo Dante at Wilbert Sardido habang inaalam pa naman ang pagkakakilanlan ng isa pang napatay na suspek.

Mayroon rin silang napatay na isang hinihinalang carnapper kaninang pasado alas-3:00 ng madaling araw makaraang umanong magnakaw ng motorsiklo.

Kinilala ito na si Emerson Layco Santos, residente ng Brgy. San Vicente, San Pedro City, Laguna.

Batay sa ulat Laguna Police lahat ng napatay kaninang madaling araw ay pawang mga nanlaban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?