Suriago

5 patay nang malunod sa beach sa Surigao del Sur

Sharing is caring!

Patay sa pagkalunod ang lima katao na nagbabakasyon sa karagatan ng bayan ng Lianga sa Surigao del Sur nitong Enero 3.

Kinilala ng otoridad ang mga biktima na sina Joseph Cajutol, 34; Ronald Getigan Baghucan, 19; Fernando Besing, 24; Alvin Almosera, 19 at Roland Lagata.

Kapwa mga residente ng Barangay Santiago, San Luis, Agusan del Sur ang mga biktima na nagkayayaan sa beach ng Sitio Pugad, Barangay Payasan, Lianga, ayon sa SunStar.

Pinangalanan naman ni PO2 Greg Sinday, imbestigador sa Lianga Municipal Police Office, ang nakaligtas na si Dalman Handogon.

Ani Sinday, sinubukang sagipin ng mga biktima ang isa nilang kaibigan na napadpad sa malalim na parte ng dagat ngunit dahil pare-parehong hindi marunong lumangoy kaya’t nalunod sila.

Dagdag pa nito, malakas ang alon noon sa karagatan dahil high tide at kapwa umano nakainom ng alak ang mga biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?